Local, hand-crafted face mask sa Cavite, aprub na sa DOST

Original Article by Remate

Date: February 12, 2021

 

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang face mask na likha sa Maragondon, Cavite.

Sa ulat, ito ang kauna-unahang local handwoven mask na nakapasa sa standard ng specifications para sa non-medical face masks na maaaring gamitin ng komunidad.

Paliwanag ni DOST Secretary Fortunato dela Peña sa isang panayam, tinawag itong “Mapagmahal Face Mask” na likha ng isang grupo sa Maragondon.

“Nakita nila yung opportunity sa face mask so gumawa sila ng sarili nilang design at naghanap sila ng sarili nilang material at nang marinig nilang malawakan nga ang panawagan para magkaroon ng face mask na medically tested, nagpa-test sila ng kanilang initially ginawang face mask sa DOST Philippine Textile Research Institute.”

Punto pa ni Dela Peña may dalawang uri ng face masks, isang community at clinical use.

“What they are producing are the community face masks.”

“Ang unang tinetest ay yung water repellency at water absorption. Yung hydropholic, yun yung repellency at yun namang hydrophilic, yun yung pag absorb,” lahad pa ng opisyal.

Sinabing nagsumite rin sila ng kanilanng produkto sa DOST-Textile Research Institute (PTRI).

“Initially, they did not pass the test but what the PTRI experts did is to give them advice which is the better material to use and the features that they need to incorporate,” paliwanag  nito.

Likha naman ang naturang mask sa polyester at cotton sa outermost layer nito habang knitted hydrophobic material at hydrophilic material naman sa innermost layer.

Ang kagandahan pa rito, maaaring malabhan ng kahit 25 beses ang naturang face mask.