Kauna-unahang Pinoy handwoven non-medical face masks na aprubado ng DOST-PTRI, DOH-PHST, ini-export na sa ibang bansa

Original Article by: TFC News Philippines

Apr 06, 2021

 

May-akda: Apol Mabini / TFC News Philippines

Maragondon, Cavite, Philippines – Nakarating na sa iba-ibang bansa ang Habing Maragondon face masks na tinaguriang “the first local handwoven face masks that conformed to the DOST-PTRI, DOH-PHST, and WHO recommended minimum specifications for non-medical face masks for community use.” 

Ang Habing Maragondon face masks ay dumaan sa metikulosong pagsusuri ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa Pilipinas na hinahabi ng mga local weaver sa Maragondon, Cavite. Ang mga nasabing face mask ay gawa ng Likhang Maragondon, isang barangay micro business enterprise na gumagawa ng native products mula sa Maragondon, Cavite.

Face mask Philippines

Face mask Philippines

Face mask Philippines

Face mask Philippines

Sa panayam ng TFC News kay Ms. Catherine “Therine” Diquit, social entrepreneur at founder ng Likhang Maragondon, ibinahagi niya ang kanyang pagnanais na buhayin ang local craft ng kanilang bayan, isa na rito ang tradisyunal na paghahabi at matulungan na rin ang kanyang mga kababayang magkaroon ng kabuhayan gamit ang kanilang angking talento at mga lokal na materyales.

Filipina

Catherine Diquit

Ms. Catherine “Therine” Diquit, Social Entrepreneur/Founder of Likhang Maragondon

“In every intricately made garment thus is the woven story of our Lola weavers who busy their hands to keep their bodies and minds alive and moving...It is Likhang Maragondon’s hope that through the efforts it is doing, it can also inspire its own people to support local craft as a way of preserving the town’s rich heritage and celebrating what is distinctly ours,” ani Diquit. 

Weave Philippines

Ideya at konsepto ni Diquit ang Habing Maragondon community face masks na sinimulan nilang pag-aralan noong April 2020 kung paano ito ipo-produce bilang mabisang pananggalang laban sa pandemyang dulot ng COVID-19.

“Madami po kasing nagsi-sell ng handwoven face masks. Ang napansin namin ay wala sa kanilang scientifically tested, siyempre we want to make sure ours is safe and will really protect the people who will use it. Nagstart kami figuring out which fabric to use considering our weather and ano ang shape. We did a lot of research. By June (2020), nagsend kami ng proposal sa DOST Cavite about our intent to have our mask tested. In-ask namin if they can help us tapos nirefer nila kami sa DOST-PTRI. Nag-online meeting kami, tapos pina-attend din nila kami ng webinar about DOST’s very own REWEAR Mask. By August, our mask was tested and September naman na-approve,” pagbabahagi ni Diquit.

Hindi man bultuhan sa ngayon, nakarating na ang Habing Maragondon face masks sa dalawampung bansa sa iba-ibang panig ng mundo kabilang ang Asia Pacific countries: Australia, Hong Kong, Japan at Singapore at ginagamit ng mga kababayang Pinoy maging ng mga dayuhan.

Malaking tulong sa pagkakaroon ng orders para sa Habing Maragondon face masks mula abroad ang pagsuporta at pagtangkilik ng popular travel vlogger na si Kulas ng BecomingFilipino na siya namang kasintahan ni Diquit.

Kyle “Kulas” Jennermann of BecomingFilipino wearing Habing Maragondon face mask

Sobra naman ang pasasalamat ng mga local weaver dahil napakalaking tulong sa kanila ang pagiging bahagi ng Likhang Maragondon kung saan ang kanilang mga talento sa paglikha ng mga locally produced native product, kasama na ang Habing Maragondon face masks ay tinatangkilik na ng publiko sa loob o labas man ng Pilipinas.

Para kay Fhelma Malimban, 42 taong gulang, isang ina ng tahanan at mananahi ng Likhang Maragondon, walang katumbas ang tulong na patuloy na ibinibigay sa kanilang ng nasabing social enterprise.

“Yung mga nagawa ko sa Likhang Maragondon, hindi kayang tapatan yung nagawa ng Likhang Maragondon para sa amin. Sobrang ang daming naitulong lalong lalo na ngayong pandemic,” kuwento ni Malimban.

“Malaki ang naitulong niya lalo na may mga baby na ako. Lalo na ngayong pandemic na ‘to, doon kami kumukuha ng panggatas nila, pang needs nila…kasi di ba nawalan ng trabaho karamihan ng tao ngayon, so ayun, nakatulong siya talaga. Doon kami kumukuha para sa mga pangangailangan namin,” pagbabahagi naman ng 27 taong gulang na si Maria Luisa Pascual, isa ring ina at mananahi ng Likhang Maragondon,  

Isang pamana at marangal na pinagkukunan ng kabuhayan naman para kay Lola Doreng Pantoja, 60 anyos ang paghahabi. Isa rin siya sa humahabi ng telang ginagamit para mabuo ang Habing Maragondon face masks:

“Pamana ito ng aming ina, sa paghabi. Nong kami’y maliit pa, sa hirap ng buhay, maaga kaming naturuang maghabi na siya naming ginagastos sa bahay…Malaking tulong sa akin ang paghabi…pagpapa-aral sa aking mga anak. Hanggang ngayon, siya naming ginagastos sa aming buhay.”

Lola Doreng Pantoja, weaver of Likhang Maragondon

Para kay Diquit, wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na alam niyang nakatutulong siyang iangat ang mga talento at kabuhayan ng kanyang mga kababayan sa Maragondon sa pamamagitan ng paglikha ng handwoven and scientifically-tested na Habing Maragondon face masks at naka-aambag sila sa kinakailangang proteksyon ng publiko sa banta ng pandemya.

 “Kami ay naniniwala na sa tulong ng Siyensya ay mas mapoprotektahan natin ang ating sarili laban sa COVID-19. Kaya kung kayo ay bibili ng face mask, the first thing we have to check isdid it go through standard scientific tests? Tangkilikin natin ang dumaan sa masusing pag-aaral at siyempre, made locally dahil malaking tulong ito sa ating mga kababayan lalo na ngayon na may pandemic,” ayon pa kay Diquit.