'Biyahe ni Drew' goes to Maragondon, Cavite!

Original Article by GMA News Online

Date: December 16, 2020

Watch full episode here

Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kaniyang mabilisang biyahe papuntang Maragondon, Cavite!

Mapapasabak agad si Drew sa Balsa River Cruise na parang Loboc River Cruise ang dating.  Pagkatapos, isang day tour ang sasalihan niya sa isang farm resort sa tabi mismo ng ilog.

 

 

At dahil napapanahon ang nature trips ngayong may pandemiya, bibisitahin ni Drew ang Pantihan Falls na hidden gem ng Maragondon.

 

 

Siyempre, may masarap at murang kainan dapat! Siguradong tulo laway kayo sa fried chicken ng paboritong restaurant ng mga taga-Maragondon. Pasok pa sa budget!

 

 

Pero bago umuwi, silipin ang mga gawa ng mga taga-Maragondon. Mamangha sa kanilang bamboo products at habing Maragondon!

 

 

Sama na sa mabilisang biyahe ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 9:15PM sa GMA News TV!