ABS-CBN News: Handcrafted face mask gawa sa Maragondon, Cavite, inaprubahan ng DOST

Original Article by ABS-CBN News

Date: February 12, 2021

 

MAYNILA (UPDATED) - Inaprubahan na ng Department of Science and Technology ang local handcrafted face mask ng Likhang Maragondon sa Cavite.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato Dela Peña, ang Likhang Maragondon ay isang social enterprise sa naturang bayan sa Cavite na gumawa ng sariling face mask na para sa komunidad.

“Nakita nila yung opportunity sa face mask so gumawa sila ng sarili nilang design at naghanap sila ng sarili nilang material at nang marinig nilang malawakan nga ang panawagan para magkaroon ng face mask na medically tested, nagpa-test sila ng kanilang initially ginawang face mask sa DOST Philippine Textile Research Institute,” pahayag ni Dela Peña.

Tinawag na "Habing Maragondon Face Mask”, gawa sa polyester at cotton ang panlabas na layer at ang knitted hyrdrophobic material at hydrophilic material ay para sa panloob na layer.

“Ang unang tinetest ay yung water repellency at water absorption. Yung hydropholic, yun yung repellency at yun namang hydrophilic, yun yung pag absorb,” sabi niya. 

May iba't ibang disensyo ang face mask na ipinangalan sa iba't ibang katangiang Filipino tulad ng "Makabayan", "Mapagmahal", "Matapat", "Magiting", "Mayumi", "Matapang" at "Mapalad".

Importante aniya ito para matiyak na hindi makakakuha o hindi makapagkakalat ng mikrobyo ang taong gagamit nito. Kasama na din sa test ay ang air permeability para matiyak na maayos na makahihinga ang taong magsusuot ng nasabing mask.

Kuwento ni Dela Peña na hindi nakapasa sa unang pagsusuri noong Agosto ng nakaraang taon ang face mask ng grupo pero pinayuhan sila kung ano at paano pa mas pagtitibayin ang kanilang produkto hanggang sa tuluyan na itong makapasa sa test noong Setyembre.

"Since they now have the clearance, tumaas ang kanilang demand. Yung kanilang dating 5 tauhan ay lumobo sa 15," sabi niya.

Maaaring labhan ng kahit 25 beses ang naturang face mask na may apat na layers.

Para kay Dela Peña, kahit umano community mask lang ang produkto, dapat pa ring maprotektahan nito ang consumer.

Maaaring labhan ng kahit 25 beses ang naturang face mask na may apat na layers.

Para kay Dela Peña, kahit umano community mask lang ang produkto, dapat pa ring maprotektahan nito ang consumer.

Dagdag naman ni Dela Peña na marami sa mga maliliit na kumpanyang gumagamit ng iba’t ibang teknolohiya na tinutulungan ng DOST ay nagrepurpose na.

“Yung ibang nasa furniture gumagawa na sila ng hospital beds kasi kailangan. Yung mga gumagawa ng lambanog, gumagawa na ngayon ng alkohol na pang disinfect at saka yung mga engaged sa textile products ay gumagawa na ng PPEs. Kailangan nilang mag-isip kasi para maka-survive,” sabi niya.

https://news.abs-cbn.com/news/02/12/21/handcrafted-face-mask-gawa-sa-maragondon-cavite-inaprubahan-ng-dost

Watch: https://www.youtube.com/watch?v=aY55VoHA2Pc